SolGen, pinagkokomento sa petisyon laban sa NIR

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa petisyon laban sa pagbuo ng Negros Island Region.

Binuo ang Negros Island Region, na sakop ang Negros Occidental, Bacolod City, Negros Oriental at Siquijor, sa pamamagitan ng Republic Act No. 1200, na naisabatas nitong Hunyo 2024.

Kinwestiyon ng ilang residente ang constitutionality ng batas at gusto nilang ipatigil ang pagpapatupad nito dahil hindi umano sila nakonsulta. Hindi rin umano ito dumaan sa tamang proseso.

Binigyan ng Korte ang OSG ng sampung araw para magkomento. Ang OSG ang tumatayong abogado ng Republika ng Pilipinas.