Ginamit ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang kanilang laki at lakas upang daigin ang mas maliit na San Sebastian College Stags, 93-85, Martes sa NCAA Season 100 Final Four race sa Filoil EcoOil Arena.
At sa mentorship ni LPU coach Gilbert Malabanan, napuwersa ng Pirates ang Stags na paulit-ulit mag-foul tungo sa 27 conversions out of 38 attempts.
“The game plan talaga is attack and attack. Tinitignan din kasi namin ano weaknesses ng kalaban at ang Baste (SSC) — wala masyado shot blocker,” paliwanag ni Malabanan. “We took advantage of it.”
High scorer si LPU captain Renz Villegas na may 25 points, habang si John Barba ay nagambag ng 20 markers.
May 7-8 panalo-talo ngayon ang Pirates na buhay pa ang pag-asang mapasama sa Final Four.
Lalo naman sumadsad ang Stags sa 4-11 kartada.