Tom Rodriguez mayro’n nang 4-month baby boy

Proud na inamin ni Tom Rodriguez na may cute at bouncing baby boy na siya.

Gumawa pa siya ng sketch bilang patunay at ipinakita on national TV thru his interview with GMA7 showbiz news reporter Nelson Canlas.

Four months old na raw ang baby na ayon sa first-time dad ay kanyang “greatest source of inspiration.” 

Sa ginawang sketches ng baby, ibinahagi ng aktor na Korben ang pangalan nito at may dimple sa pisngi gaya niya.

“I feel great. He’s my greatest source of inspiration,” sey ni Tom.

Bago pa ang pag-amin Tom, nag-post na siya sa social media ng cartoon drawing ng isang baby boy.

Pinag-usapan ito sa social media at hindi nagtagal ang paghihintay ng netizens dahil mismong si Tom ang nag-reveal tungkol sa kanyang cute baby boy.

Ligal nang hiwalay ang aktor at ex-wife na si Carla Abellana. 

“Recognized na po ‘yan ng korte, local court po natin dito,” pahayag ng aktres nang mag-guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda. Nilinaw din niyang  hindi annulled kundi divorced sila ni Tom.