Matapos ang successful at record-breaking edition noong October 20, ang Women’s Run PH ay dadayo naman sa Iloilo City sa November 10.
Ayon kay race organizer Nicole dela Cruz, mula sa 1,700 women runners noong nakaraang taon, umabot sa 6,000 ang participants sa UP Diliman sa 1K, 5K and 5K runs.
Inaasahan ni Dela Cruz na halos ganito rin karami ang sasali sa Iloilo sa susunod na buwan.
“Our goal is the empowerment of women through running and when you hold an event that is specific and designed for women you also help build their confidence,” wika ni Dela Cruz.
“It was a big jump from 1,700 runners to 6,000 this year and we achieved this because we asked help from different communities and companies that support women,” paliwanag niya.
Nakatakda rin ang race sa January 19 sa Davao City, at pinaplano na ang sa Cebu City.
“We try to make it friendlier and less intimidating and we hold free training runs in Metro Manila. We’re adding more elements to the run. People come in costumes like (Super) Mario and dinosaurs. It’s so inspiring,” sabi ni Dela Cruz sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes.
Idinagdag niya ang race noong Oct. 20 ay para sa cancer patients sa Philippine General Hospital.
Ayon pa kay Dela Cruz, pananatilihin ang 1K and 5K races para sa beginners kabilang ang mga kabataan hanggang 60-year-olds, “to increase the empowerment of women through running.”