February 17, 2026 a Holiday in the Philippines
MANILA, Philippines — Nag-aabang ba kayo ng extra rest day? Good news! Kasunod ng Valentine’s Day weekend, asahan ang suspensyon ng pasok sa trabaho at eskwelahan ngayong Martes, February 17, 2026.
Ito ay bilang pagdiriwang ng Chinese New Year (Lunar New Year), na idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1006 bilang isang Special Non-Working Day sa buong bansa.
Huwag Magpahuli: “Dahil Monday lang ang kulang para maging 4-day weekend ang break mo, bakit hindi ka mag-file ng leave? Check out our 2026 Valentine’s Mega Weekend Leave Strategy & Itinerary to see how to make the most of this rare holiday bridge!”
Sino ang Walang Pasok ngayong Feb 17?
- Schools: Suspended ang klase sa lahat ng levels (Public at Private schools) sa buong bansa.
- Government Offices: Walang pasok sa karamihan ng mga opisina ng gobyerno.
- Private Sector: Dahil ito ay Special Non-Working Day, nasa diskresyon ng kumpanya kung magpapatupad ng duty. Kung ikaw ay papasok, may karampatang Holiday Pay na dapat matanggap.
Dahil ‘Walang Pasok’ ngayong February 17, expect a massive crowd in Manila! If you’re planning to join the festivities, don’t go unprepared. Basahin ang aming Where to eat in Binondo for Chinese New Year Guide para hindi sayang ang punta.”
Important: May pasok ba sa February 16 (Monday)?
Sa ngayon, ang February 16, 2026, ay nananatiling isang Working Day. Wala pang opisyal na anunsyo mula sa Malacañang para ideklara itong “Bridge Holiday.” Gayunpaman, maraming empleyado ang inaasahang magfa-file ng leave para ma-enjoy ang 4-day long weekend mula Feb 14 (Sabado) hanggang Feb 17 (Martes).
Quick Summary Table for February 2026 Holidays
| Date | Occasion | Status |
| Feb 14 (Sat) | Valentine’s Day | Working Day (Ordinary) |
| Feb 15 (Sun) | Weekend Rest Day | Rest Day |
| Feb 16 (Mon) | Bridge Day | Working Day |
| Feb 17 (Tue) | Chinese New Year | Special Non-Working Holiday |
Para sa mga “Team Duty” (Work Rules)
Kung kailangan mong pumasok sa Martes, tandaan ang “No Work, No Pay” policy. Pero kung ikaw ay magre-report sa opisina, ikaw ay may dagdag na 30% sa iyong daily rate para sa unang walong oras ng trabaho.
Related Article:Paano i-compute ang sahod sa February 17? Basahin dito ang full guide.














