‘Meralco, Fake News’: Gatchalian, Binweltahan ang Paninisi sa 4Ps sa Likod ng Bill Shock

Meralco Wag Manisi: Rex Gatchalian Binweltahan ang 4Ps Fake News sa Bill Shock

Sa halip na aminin ang tunay na ugat ng naglalakihang singil sa kuryente, tila “fake news” ang ipinapakalat ng Manila Electric Company (Meralco) ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian.

Ito ang naging matapang na pahayag ng kalihim matapos madamay ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa usapin ng matinding “bill shock” na naranasan ng mga konsyumer nitong Abril.

Hindi Sila ang Salarin

Ayon kay Gatchalian, isang malaking kasinungalingan na ang subsidy para sa 4Ps ang nagpabigat sa bulsa ng mga Pilipino. Sa katunayan, ang tunay na “killer” sa bill ng kuryente ay ang sariling generation expenses ng Meralco.

“Hindi 4Ps ang rason kung bakit lumaki ang pagsingil noong April. Yung bill shock na yun nanggaling sa sarili nilang generation. Tumaas ang generation expense nila,” giit ni Gatchalian sa isang panayam.

Related:

Meralco ‘Legalized Robbery’: Colmenares Kinalampag ang Record-High Singil

Philippines Power Play: Meralco vs. Razon on Electricity Bills

Sukat ng Konsumo: Ilaw at Electric Fan Lang

Pinaliwanag ng kalihim na halos walang epekto sa pangkalahatang singil ang mga 4Ps households dahil sa sobrang liit ng kanilang konsumo. Kadalasan, isang electric fan at ilang bumbilya lamang ang gamit ng mga ito.

  • P0.40 Centavos: Ito lang ang halagang napupunta sa lifeline rate kung susumahin ang lahat.
  • 135,411 Households: Masyadong maliit ang bilang ng 4Ps users kumpara sa 8.11 milyong dambuhalang residential at commercial customers ng Meralco.

Hinimok din ni Gatchalian ang Senado na repasuhin ang Expanded Lifeline Rate Law. Ang hamon niya sa higanteng kumpanya: Sila na ang dapat sumagot sa subsidy ng mahihirap bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) sa halip na ipasa pa ito sa ibang mga konsyumer.

News Feed
Features
Lokal
Entertainment