Alinsunod sa Proclamation No. 90, s. 2025, ang May 1, 2026 (Biyernes) ay idineklara bilang isang Regular Holiday sa buong Pilipinas bilang paggunita sa Labor Day o Araw ng Paggawa.
Work and Class Suspensions
- Public and Private Schools: Walang pasok sa lahat ng antas (Elementary hanggang Graduate School).
- Government Offices: Sarado ang mga opisina ng pamahalaan, maliban sa mga frontline services (hospitals, emergency response, atbp.).
- Private Companies: Suspendido ang trabaho para sa karamihan, ngunit ang mga papasok ay entitled sa Double Pay (200% wage).
Long Weekend Alert!
Dahil ang May 1 ay Biyernes, ito ay magreresulta sa isang 3-day long weekend (May 1 hanggang May 3). Swak na swak ito para sa mga pamilya at magkakaibigan na nagpaplanong mag-quick getaway o simulan ang kanilang #ArirangIponChallenge!
Kung Balak ninyong mag getaway ngayong May 1, siguraduhing bisitahin ang aming Long Weekend Alert: May 1 Labor Day Holiday 2026 Guide.
Labor Day Pay Rules (DOLE Quick Guide)
Para sa ating mga manggagawa na kailangang pumasok, narito ang computation batay sa guidelines ng Department of Labor and Employment (DOLE):
- Pumasok sa Trabaho: Daily Wage x 200% (Double Pay).
- Hindi Pumasok: Daily Wage x 100% (Basta pumasok o naka-leave with pay noong April 30).
- Overtime (Lagpas 8 oras): Hourly Rate x 200% x 130%.
- Rest Day na pumatak sa Holiday: Daily Wage x 200% + 30% ng 200%.
Para sa mas kumpletong listahan ng mga Holiday Pay Computation basahin ang aming How to Compute Holiday Pay Philippines (2026 Table & Formulas)














