GENERAL SANTOS CITY — Posibleng makinabang ang mga consumer sa Soccsksargen sa modernong power system na ginagamit na sa Iloilo City.
Ipinapakita ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) kung paano nababawasan ang brownout at napapabilis ang restoration gamit ang advanced substations, automated systems, at real-time monitoring tulad ng SCADA.
Gumagamit din ang MORE Power ng smart devices tulad ng Automatic Circuit Reclosers (ACR) at Digital Microprocessor Relays na awtomatikong nag-iisolate ng sira para maiwasan ang malawakang brownout.
Mobile Substations at Preventive Tools May Mobile Substations na pansamantalang nagbibigay ng kuryente habang may maintenance o emergency. Ginagamit din ang thermal scanners at drones upang makita agad ang posibleng sira bago magdulot ng major outage.
Flexible at Safe na Distribution Sa interconnected network, nairere-route ang kuryente kapag may sira. May Load Break Switches para ihiwalay ang apektadong bahagi nang hindi pinapatay ang buong linya.
Gumagamit din ng covered conductors o “tree wires” upang maiwasan ang brownout mula sa puno at iba pang bagay na tumatama sa linya.
Proposed Partnership sa SOCOTECO II Plano ng Ignite Power, kapatid ng MORE Power, na ipatupad ang parehong modernisasyon sa Soccsksargen sa pakikipagtulungan sa SOCOTECO II.
Layunin nitong dalhin ang SCADA, ACRs, at automated substations para sa mas maaasahan at episyenteng serbisyo sa General Santos City at kalapit na lugar.
Tungkol sa MORE Power at Ignite Power MORE Power ang tanging electric distributor sa Iloilo City at nagpatupad ng modernisasyon mula 2020.
Ang Ignite Power ay joint venture ng MP Holdings ni dating Senador Manny Pacquiao at Primelectric Holdings ni Enrique K. Razon, nakatuon sa pagpapalawak ng modernong power solutions sa bansa.














